Nagpahayag ang isang malaking Indian company na palawakin pa ang kanilang negosyo sa Pilipinas sa port at renewable energy.
Nag- courtesy call kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr ang Managing Director ng Adani Ports and Special Economic Zone Limited sa Malacanang na si Karan Adani.
“Your Excellency, as a private sector, what we always look for is stability. Stability in the regulation, stability in the environment that we are operating in. That is what, as you said, you are providing,” pahayag ni APSEZ Ltd. Managing Director Karan Adani kay Pang. Marcos.
Sa naging pagpupulong ng Pangulo at ni Mr. Adani ay nagpahayag ang Indian businessman na nag eexplore sila ngayon ng investment opportunities na may kinalaman sa proyektong imprastraktura gaya ng port projects at renewable energy.
Ang mga ito ay pawang nakalinya sa inaabot ng bansa tungo sa stability o katatagan at progreso.
Sa pulong ay binigyang diin ni Ginoong Adani kay Pangulong Marcos ng commitment nilang nasa pribadiong sektor upang makipag- partner sa pagkakaruon ng malakas na transportation networks.
Ang APSEZ ay kilala sa India bilang pangunahing operator ng komersyal na pantalan na responsable sa pagpapatakbo ng halos 1/4 ng kargamento duon.
“I always say in my speeches I consider the private sector a full partner in this— it’s a 50/50 agreement. Government cannot do everything and there are many things that the private sector does better than government. So, we should recognize that,” pahayag ni Pang. Marcos.