Biggest year para global music industry ang taong 2021.
Yan ay ayon sa inilabas na 2022 report ng International Federation of the Phonographic Industry o IFPI.
Lumago nga ang global recorded music market sa 18.5%, na sa kabuuan ay mayroong 25.9 billion dollars na total revenue.
Samantala, ang Asia ay nakapagtala ng significant share sa global physical revenues sa music industry, na may 49.6% contribution.
Sa Top 10 leading global recording artists sa buong mundo, na base sa music consumption sa lahat ng formats (physical, digital sales at streams), nanguna ang Grammy-nominated South Korean group na BTS, na matatandaang naglabas ng tatlong Billboard Hot 100 number 1 hits na “Butter”, “Permission To Dance” at “My Universe” noong 2021.
Nasa number 2 ang American superstar na si Taylor Swift na naglabas ng mga re-recordings ng kaniyang albums na Red at Fearless.
Kabilang rin sa Top 10 sina Adele, Drake, Ed Sheeran, The Weeknd, Billie Eilish, ang South Korean group na Seventeen, Justin Bieber at ang Filipino-American singer na si Olivia Rodrigo.
Si Rodrigo nga ay naglabas ng mga top-selling songs noong 2021, partikular na ang “Driver’s License” na nominado rin bilang Song of the Year at Record of the Year sa 64th Grammy Awards.
Ang IFPI ang tinaguriang “voice of the recording industry”, na inirerepresenta ang nasa 8,000 record company members sa buong mundo.