-- Advertisements --

Nagbabala ang Pagasa ng mga pag-ulan ngayong maghapon sa ilang parte ng Luzon.

Bunsod umano ito ng lumalakas na hanging habagat na nagdadala ng makapal na ulap.

Nitong umaga ay inulan ang Metro Manila, Tarlac, Zambales, Bataan, Pampanga at Bulacan.

Maliban sa pagbuhos ng ulan, nakapagtala rin ang Pagasa ng mga insidente ng pagkidlat.

Samantala, patuloy na mino-monitor ng weatherr bureau ang posibleng pagkabuo ng low pressure area (LPA) sa West Philippine Sea na maaaring makaapekto sa ating bansa sa mga darating na araw.