-- Advertisements --
Hindi na ikinagulat si Senate President Tito Sotto ang pagtanggal ng suspensyon sa lotto operation ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Ayon kay Sotto, normal process lang ginawang hakbang ng Pangulong Rodrigo Duterte, na suspindehin ang operasyon na nakitaan nito ng anomalya.
Wala rin daw nalabag na batas dito dahil nasa kapangyarihan ng estado na magbigay, magbawi at magsuspinde ng anumang operasyon na nasa ilalim ng prangkisang inaprubahan nito.
Mismong si Sotto ay naniniwalang malala ang katiwalian, lalo na sa Small Town Lottery na ginagamit pq ng ilan bilang front ng iligal na sugal na jueteng.