-- Advertisements --

Asahan pa rin ang mga biglaang pagbuhos ng ulan sa malaking parte ng Luzon ngayong maghapon.

Ito’y dahil sa isolated thunderstorm sa kabila ng wala namang namataang bagyo o low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR).

Ayon sa PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration), ang namumuong sama ng panahon sa silangan ng Mindanao ay humina na at malabo nang makaapekto sa Pilipinas.

Samantala, sa monitoring ng MMDA (Metropolitan Manila Development Authority), humupa na ang mga pagbahang naitala kagabi sa maraming lugar sa Metro Manila.

Kabilang sa mga nakaranas na baha ang EDSA Whiteplains Gate 4; paanan ng EDSA-Ayala flyover; Victory at Araneta avenue intersection sa Quezon City; E. Rodriquez Ave. kanto ng Araneta Avenue sa Barangay Tatalon, Quezon City; ilang parte ng Marikina; Boni Ave., Mandaluyong City at Chino Roces Ave, palibot ng Don Bosco hanggang Arnaiz Ave, Makati City.

Babala ng MMDA, sundin ang signages kapag may mga baha upang maiwasan ang paglusong ng mga sasakyan sa flood prone areas.