Umaabot sa 250 katao ang inaresto ng mga otoridad sa Ethiopian capital Addis Ababa at sa syudad ng Bahir Dar matapos ang nabigong kudeta.
Hindi naman nabanggit sa ulat ng state-run Ethiopian Broadcasting Corporation kung sino-sino ang mga hinuli.
Gayunman ayon sa isang partido na nakabase sa northern region – ang National Movement of Amhara (NAMA) kinumpirma nila na umaabot sa 56 na miyembro ang ikinulong sa Addis Ababa.
Una rito tumindi pa ang tensiyon sa Ethiopia matapos ang magkasunod na pag-atake noong nakaraang weekend sa Addis Ababa at sa Bahir Dar na ikinamatay ng army chief of staff, ang presidente ng rehiyon at tatlong iba pang mga senior officials.
Ayon sa gobynero ang kaguluhan sa kanilang lugar ay kagagawan umanong ng mga rogue general at militia na nagtangkang okupahan ang Amhara.
Sinasabing mabilis na pagbabago sa kanilang bansa kasunod ng ipinatupad na reform agenda ni Prime Minister Abiy Ahmed.
Ilan sa mga polisiya ng 42-anyos na prime minister ay umani ng papuri sa ilang bansa na mistulang”nagbubukas” na para sa labas.
Gayunman kabilang sa umaalma rito ay ang ethnocentric parties tulad ng NAMA.