-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Patay ang isang pinaniniwalaang bigtime drug dealer matapos na manlaban sa isinagawang drug buy bust operation sa Barangay San Policarpo, Calbayog City, Samar.

Nakilala ang suspek na si Menard De Leon, 33 taong gulang.

Ayon na inisyal na imbestigasyon, nakatunog ang suspek na pulis ang kanyang katransaksiyon at agad na bumunot ng kanyang baril.

Nadala pa sa ospital ang suspek pero idineklara na itong dead on arrival dahil sa tinamong tama sa kaniyang katawan.

Nakuha naman sa posesyon ng suspek ang .45 caliber pistol at isang black clutch na may lamang shabu na nagkakahalaga ng P60,000.