CENTRAL MINDANAO-Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isang drug peddler na nahuli ng mga otoridad sa lalawigan ng Maguindanao Del Norte.
Nakilala ang suspek na si Datu Ali Savedra Andal at residente ng Barangay Pigcalagan Sultan Kudarat Maguindanao Del Norte.
Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Colonel Noel Sermese na naglunsad ng drug buybust operation ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region (PDEA-BAR) katuwang ang Sultan Kudarat MPS, NBI BARMM, HPG BARMM, at PNP MARITIME sa Barangay Crossing Simuay Sultan Kudarat Maguindanao Del Norte laban sa suspek.
Nang i-abot n ani Andal ang shabu sa PDEA-Asset ay agad itong pinosasan.
Nakatakas naman ang kasama ni Andal na si alyas Buhari na kumaripas ng takbo.
Nasamsam sa suspek ang 20 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱136,000mobile phone sa drug market value,cellphone, identification card at isang Raider 125 FI Suzuki.
Sa ngayon ay nakapiit na ang suspek sa costudial Facility ng Sultan Kudarat MPS.