-- Advertisements --
Asahan na umano ang malakihang oil price hike na ipatutupad ng mga kumpanya ng langis matapos ang dalawang sunod na kakaunting bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Batay sa paunang ulat mula sa ilang insider sa oil industry, papalo sa P1.60 kada litro ang umento sa presyo ng gasoline.
Aakyat naman sa P0.80 ang kada litro ng diesel habang P1.00 sa bawat litro ng kerosene.
Pangunahing dahilan umano rito ang pagtaas ng oil products sa pandaigdigang merkado at matamlay na palitan ng piso kontra sa US dollar.
Inaasahang sa Martes ng umaga ipapatupad ang dagdag sa presyo ng nasabing mga produkto.