-- Advertisements --
Asahan na ang panibagong bigtime oil price hike sa susunod na linggo.
Batay sa oil industry sources ng Bombo Radyo, pare-parehong tataas ang presyo ng gasolina, krudo at gaas.
Tinatayang papalo sa P2.50 ang itataas sa halaga ng bawat litro ng gasolina, P1.80 kada litro sa diesel at P1.90 naman sa kerosene.
Inaasahan ang implimentasyon nito sa darating na Martes, Setyembre 24, 2019.
Sinasabing resulta ito ng pag-atake sa pinakamalaking oil facility sa Saudi Arabia na Saudi Aramco.