-- Advertisements --

Asahan ang muling pagsalubong ng malakihang oil price hike sa mga motorista sa susunod na linggo.

Ito ay matapos ilabas ng mga oil industry players ang forecast ngayong araw kung saan ang presyo ng diesel ay maaaring aangat ng mula P1.40 hanggang P1.80 kada litro.

Ang gasolina ay maaari namang magtatas mula P0.95 hanggang P1.35 kada litro, habang ang presyo ng kerosene ay inaasahang magtataas ng P1.00 hanggang P1.40 per liter.

Ang panibagong taas-presyo ay kasunod pa rin ng naunang taas-presyo ngayong linggo kung saan ang presyo ng diesel ay halos tumaas ng hanggang P2.00 kada litro.

Batay sa report ng Department of Energy (DOE), mula Enero hanggang ngayong linggo ay nakitaan na ng P6.90 na pagtaas sa presyo ng produktong gasolina.

Ang presyo ng diesel ay nakitaan din ng pagtaas P6.00 kada litro habang halos isang piso naman ang ini-angat sa presyo ng kerosene.

Kadalasang nagtataas ang mga petroleum companies sa presyo ng kanilang mga panindang petrolyo tuwing araw ng Martes.