-- Advertisements --
Asahan na umano ang malakihang oil price hike na ipatutupad ng mga kumpanya ng langis sa susunod na linggo.
Sa paunang ulat mula sa ilang insider sa oil industry, papalo sa P2.00 hanggang P2.20 kada litro ang umento sa presyo ng gasoline.
Aakyat naman sa P1.80 hanggang P2.00 ang kada litro ng diesel, habang P1.20 hanggang P1.30 sa bawat litro ng kerosene.
Pangunahing dahilan umano rito ang pagkabawas ng produksyon ng langis sa buong mundo na epekto ng coronavirus pandemic.
Inaasahang sa Martes ng umaga ipapatupad ang dagdag sa presyo ng nasabing mga produkto.