-- Advertisements --

Nagbabanta na naman ang taas presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na Linggo.

Base sa Department of Energy, na sa nagdaang tatlong araw na trading ay nakitaan nila ang pagtaas ng mga produktong langis.

Sa pagtaya ng DOE na maglalaro mula P1.85 hanggang P2.05 ang pagtaas sa kada litro ng diesel.

Habang ang gasolina ay magtataas ng hanggang P1.50 sa kada litro at hindi rin lalayo sa P1.00 ang itaas ng kerosene.

Malalaman pa sa araw ng Lunes ang panibagong paggalaw sa presyo ng produktong langis na kadalasang ipinapatupad sa araw ng Martes.