-- Advertisements --
Sinimulan na ng mga kumpanya ng langis ang pagpapatupad ng malakihang taas presyo ng kanilang produkto.
Kaninang ala-6 ng umaga ng sinimulang ipatupad ang P4.00 pagtaas sa kada litro ng diesel.
Mayroon namang P0.50 sa kada litro ang itinaas ng gasolina habang ang kerosene ay mayroong P2.75 kada litro ang itinaas.
Ayons a Department of Energy na ang tanging rason ng pagtaas ng presyo ng produktong langis ay ang pagbawas produksyon ng langis sa Saudi Arabia at Russia.
Sa pagtaya ng DOE sa limang linggong magkakasunod na pagtaas ay mayroon ng P10.80 kada litro ang idinagdag sa diesel mula Hulyo 10 hanggang Agosto 8.
Habang P5.85 ang idinagdag sa gasolina at P8.65 naman sa kerosene.