-- Advertisements --

Abiso para sa mga motorista.

Nakatakdang muling magpatupad ng bigtime oil price hike ang mga kompanya ng langis sa bansa simula bukas, Pebrero 8.

Sa datos, tinatayang aabot sa P1.00 hanggang P1.10 ang magiging dagdag sa presyo ng kada litro ng gasolina.

Habang nasa P1.10 hanggang P1.20 naman ang itataas sa singil sa kada litro ng diesel at tataas naman ng hanggang P1.15 hanggang P1.25 ang magiging dagdag-presyo sa kada litro ng kerosene.

Ito na ang ika-anim na sunod na linggo na magkakaroon ng taas-presyo sa produktong petrolyo sa bansa.