-- Advertisements --
Asahan ang muling pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo bukas, july 9.
Ito na ang ika-apat na linggo na sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng petrolyo kung saan ang gasolina ay inaasahang tataas mula P1.50 hanggang P1.70 kada lito.
Ang diesel ay inaasahang tataas mula P.50 hanggang P.70 kada lito habang ang kerosene ay taaas mula P.60 hanggang P.80 kada litro.
Noong July 2, tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo kung saan ang P.95 ang ini-angat ng presyo ng gasolina, P.65 sa diesel, at P.35 sa kerosene.
Mula noong Enero ng kasalukuyang taon hanggang sa nakalipas na linggo, umabot na sa P9.25 ang itinaas sa kada litrong presyo ng gasolina, P8.40 sa diesel, at P1.75 sa kerosene.