-- Advertisements --

Sasalubong umano sa mga motorista sa unang araw ng Disyembre ang isa na namang malakihang oil price hike.

Sa tantiya ng mga taga-industriya, P1.15 hanggang P1.20 ang itataas sa kada litro ng gasolina.

Maglalaro naman sa P1 hanggang P1.10 ang inaasahang umento sa presyo ng diesel.

Ang inaasahang pagmahal naman sa kerosene ay posibleng pumalo sa P1.10 hanggang P1.15.

Sinasabing ang pagsipa sa presyo ng imported na petrolyo ay dulot ng mga development sa COVID-19 vaccines lalo’t gumaganda ang tsansang malapit nang mailabas ang iba’t ibang bakuna.

Dahil dito, posible umanong mabawasan na rin ang ipinataw na mga restriksyon sa sektor ng transportasyon.