Posibleng magkaroon ng bigtime rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo, ayon sa Department of Energy (DOE).
Batay sa inisyal na resulta ng three-day trading ang presyo ng diesel ay maaaring matapyasan ng P1.50 hanggang P1.90 per liter; ang gasolina ay maaaring matapyasan ng P0.80 hanggang P1.20 per liter, habang ang kerosene ay maaaring tatapyasan ng P1.40 hanggang P1.80 kada litro.
Maaari pa ring magkaroon ng pagbabago sa naturang price adjustment hanggang bukas, ang huling araw ng 1 week trading.
Batay sa monitoring ng DOE, mula noong Enero 2024 hanggang sa kasalukuyan ay mayroon nang P8.05 na price increase para sa gasolina, P5.95 sa kada litro ng diesel, at P2.15 sa kada litro ng kerosene.
Ngayong linggo, una nang nagpatupad ang mga petroleum companies ng taas-presyo, epektibo nitong araw ng Martes, Aug 22.