-- Advertisements --
Matapos ang mahigit dalawang buwang puro umento sa presyo ng produktong petrolyo, mayroon namang namumurong rollback sa susunod na linggo.
Ayon sa mga energy sources, nasa P0.60 hanggang P1.20 ang bawas sa kada litro ng mga produktong petrolyo.
Pinakamalaking tapyas ang asahan sa gasolina na aabot sa P1.10 hanggang P1.20 kada litro.
Ang diesel ay may bawas din sa presyo na P0.60 hanggang P0.70 habang ang kerosene ay P0.65 hanggang P0.75 naman kada litro.
Karaniwang inaanunsiyo ang oil price adjustments sa araw ng Lunes at ipinatutupad naman sa susunod na araw.