-- Advertisements --

ILOILO CITY – Kulong ang bigtime fixer na namemeke ng driver’s license sa Western Visayas.

Ang arestado ay si Eldine Jane Berman, residente ng Bingawan, Iloilo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Atty. Gaudioso Geduspan, assistant regional director ng Land Transportation Office Region VI, sinabi nito na sinisingil ni Berman ang kanyang mga ka-transaksyon ng P7,500.

Inamin naman ng arestado na sa Maynila pa pinapagawa ang mga pekeng driver’s license kung saan makukuha na ito sa loob ng sampung araw.