-- Advertisements --
ILOILO CITY – Nababahala ang COVID-19 team ng Iloilo City government matapos patuloy pa rin sa pag-operate ang malaking restaurant at bigtime caterer sa Lungsod ng Iloilo kahit na nagpositibo sa COVID-19 ang mga mag-ari at staff nito.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, sinabi nito nagbigay na siya ng babala sa DOVA restaurant at iba pang mga mamalaking restaurant na pagmamay-ari ng pamilya Cordova.
Ayon kay Treñas, siyam sa pamilya ang nagpositibo sa COVID-19 kasama na isang empleyado na naghahanda ng pagkain.
Sa ngayon, nakatakdang isailalim sa RT-PCR test ang mga empleyado ng sikat na restaurant at caterer sa lungsod.