-- Advertisements --

Tuloy-tuloy na ang pagpapatupad ng bigtime rollback ng presyo ng liquified petroleum gas (LPG) sa unang araw ng Hunyo.

Maglalaro sa P6.00 kada kilo ang ibinaba sa contract price ng LPG o halos P70.00 sa kada regular na tangke ng 11 kg.

Itinuturing na ang pagbaba ng demand sa China at ang mataas na inventory ng suplay mula sa US ang dahilan ng price movement.

Bukod sa pagbaba ng presyo ng LPG ay nakatakdang bumaba rin ang presyo ng mga produktong petrolyo.

Inaasahang maglalaro ng P1.50 ang ibababa sa kada litro ng gasolina habang, P0.80 ang ibaba sa diesel at P0.75 sa kerosene.