-- Advertisements --

Magkakasabay na nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng bigtime rollback sa kanilang produkto.

Epektibo kaninang ala-6 ng umaga ngayong Martes Santo ng ipinatupad ang P3.60 na bawas sa kada litro ng gasolina.

Mayroon naman na P2.90 na bawas sa kada litro ng diesel habang ang kerosene ay mayroong P3.30 na bawas sa kada litro.

Ayon sa Department of Energy (DOE) na isa sa mga naging dahilan ng bawas presyo ay ang mataas na suplay ng langis mula sa oil producing na bansa.