-- Advertisements --
Asahan umano ang malakihang bawas-presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon sa energy sources, inaasahang papalo ng P1.70-P1.90 ang kada litro ng diesel.
Ang kada litro ng gasolina ay may tapyas naman na P0.30-P0.40.
Habang may bawas na P1.90-P2.10 sa kada litro ng kerosene.
Ito na ang ikalawang sunod na linggong may rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Samantala, bad news naman dahil magkakaroon ng malakihang umento sa LPG.
Sa tantiya ng mga taga-industriya, nasa P3 hanggang P5 ang posibleng dagdag sa kada kilo ng LPG.
Mag-uumpisa ang bagong presyuhan pagsapit ng unang araw ng Mayo.