-- Advertisements --

Asahan umano ang isang bigtime roll back sa presyo ng produktong petrolyo bukas.

Sa datos ng oil industry, tinatayang nasa P11 hanggang P12 ang magiging tapyas sa kada litro ng diesel, habang nagkakahalaga naman sa P6 o pataas pa ang magiging rollback naman sa kada litro ng gasolina.

Paliwanag ng ilang otoridad, bumaba daw kasi ang demand sa mga produktong petrolyo sa world market.

Kung maalala noong nakalipas na Martes, umabot sa mahigit P13 ang naging taas sa kada litro ng gasolina.

Samantala, sa ngayon ay hindi pa naman matiyak ng mga kinauukulan kung magtutuluy-tuloy pa ang malakihang rollback sa bansa.