-- Advertisements --
triplitt1

Matagumpay na na-rescue ng militar mula sa kamay ng kaniyang mga kidnappers ang Filipino American na si Rex Triplitt na dinukot ng mga armadong kalalakihan sa Zamboanga del Norte noong Sept. 16.

Ayon kay Wesmincom commander Lt. Gen. Corleto Vinluan Jr., na-rescue si Tripllit ng mga tropa ng 42nd Infantry Batallion kaninang alas-10:30 ng umaga sa may Sitio Banalan, Barangay Pisa Itom, Sirawai, Zamboanga del Norte.

t2

Nagsasagawa ng combat operations ang mga sundalo nang makasagupa ang limang armadong katao na pinaniniwalang mga Sulu based Daesh inspired Abu Sayyaf group sa pamumuno ni Injam Yadah na may hawak kay Triplitt.

Nagkaroon umano ng pagkakataon ang bihag na magtago habang nagpapatuloy ang sagupaan hanggang sa makahingi ng tulong sa mga residente.

t4


Ayon kay Gen. Vinluan dahil sa intensified intelligence monitoring at suporta ng kumunidad kay na-rescue ng militar ang kidnap victim.

“He is now being checked in a health center in Sirawai and we will facillitate his immediate evacuation for further medical check-up and debriefing thereafter,” wika pa ni Lt. Gen. Vinluan.