-- Advertisements --

Nailigtas na ng Israel Military ang 52-anyos na hostage na hawak ng Hamas mula pa noong Oktubre 7 ng nakaraang.

Sa isinagawang pinaigting na operasyon sa southern Gaza ay kanilang nailigtas si Kaid Farhan Al-Qadi isang Bedouin Israel citizen.

Nakita ito ng mga sundalo ng Israel sa isang tunnel sa southern Gaza.

Dinala na ito agad sa pagamutan para sa ilang medical check-ups.

Nakita ang lokasyon ni Al-Qadi sa pamamagitan ng nakalap nilang intelligence.

Hindi aniya sila tumitigil para tuluyang matunton ang mga kinaroroonan ng mga bihag ng Hamas.