-- Advertisements --

Idinaan sa pambansang bike caravan ng mga supporters ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano ang kanilang suporta para sa pagtakbo nito bilang kandidato sa pagka-senador sa nalalapit na halalan.

Nabatid na pumalo sa 2,100 siklista mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang sumali sa “1-4-Alan Peter Cayetano Bike Caravan” noong Lunes.

Ang mga ito, na mula sa 87 samahan ng mga siklista, ay sumali sa naturang bike caravan na inilunsad sa 14 na lungsod at bayan sa buong bansa.

Karamihan sa mga lugar kung saan idinaos ang bike caravan ay naging benepisyaryo ng programang Sampung Libong Pag-asa at Sari-Saring Pag-asa ni Cayetano.

Inilunsad ang mga bike caravan bilang tugon sa pahayag ni Cayetano na magsusulong siya ng isang eco-friendly campaign para sa halalan sa Mayo.