CENTRAL MINDANAO- Matagumpay na isinagawa ng Cotabato Provincial Police Office (CPPO) sa pangunguna ni Provincial Director P/Col. Henry Villar sa Midsayap, Cotabato ang Bike for a Cause kontra Covid 19.
Nasa 200 bikers sa unang distrito ng Cotabato ang nakilahok sa aktibidad na nagsimula sa Municipal Plaza, Midsayap papuntang UK Peak, Aleosan Cotabato.
Layon ng Bike for a Cause na mas paigtingin pa ang ugnayan ng mamamayan at pulisya sa paglaban sa banta ng sakit na coronavirus o COVID-19.
Kasama sa mga nakilahok at sumuporta rito ang Sangguniang Bayan ng Midsayap sa pangunguna ni Vice Mayor Manuel ‘Maning’ Rabara, Sangguniang Kabataan Municipal Federation President at Ex-officio Councilor Mark Ferven Avance, Cotabato 1st District Board Member Roland Jungco, dating Board Member Rolly ‘Ur da Man’ Sacdalan, PPALMA Federation of Cyclists sa pangunguna ni Chairman at Aleosan Mayor Vicente ‘Boy’ Sorupia at iba pa.
Ang naturang aktibidad ay bahagi ng 25th Police Community Relations (PCR) Month Celebration.
Tema ng selebrasyon na ito ngayong taon ay “Pinaigting ng Ugnayan ng Mamamayan at Pulisya, Laban sa COVID-19 Pandemiya”.