Sisimulan ngayon Hunyo 13 ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang pagtatayo ng mga bike lanes sa kahabaan ng EDSA.
Sinabi ni Department of Transportation (DoTr) Secretary Arthur Tugade, nagkasundo sila ni MMDA chairman Danny Lim na simulan na ang paggawa ng bike lane.
Tiniyak din ng dalawang ahensya na bibilisan nila ang paggawa ng mga bike lanes at tinitiyak nila na ito ay malayo sa sidewalk para mabigyang daan ang mga pedestrian.
Posibleng mayroong lapad na 1.5 meters ang ilalaan ng MMDA para sa mga bikers.
Magiging two phase ang nasabing proyekto kung saan isnag interim at lond term.
Magugunitang dumami ang bilang ng mga gumagamit ng bisikleta dahil sa hirap pa rin ng transportasyon kahit na niluwagan na ang lockdown.
Ikinatuwa naman ng mga bikers ang nasabing plano ng MMDA at DOTr dahil magiging ligtas na sila kapag dumadaan sa kahabaan ng EDSA.