-- Advertisements --

Muli na namang nagsagawa ng inspections ng Department of Transportation (DoTr), Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga iba’t-ibang bike lanes sa Metro Manila.

Plano kasi lagyan ito ng mga bollards, lightnigs sa mga bicycle paths at mga pagpipintura ng mga lanes.

Kasama ni MMDA Chairman Benhur Abalos sina DoTr Assistant Secretary for Road Transport and Infrastructure Mark Steven Pastor at DPW National Capital Region Director Eric Ayapana ang nasabing inspections.

Kabilang sa mga ininspection ay ang Monumento Circle sa Caloocan, EDSA, Roxas Boulevard, Commonwealth, C5 Road, Quezon Avenue at Commonwealth Avenue.

Ayon kay Abalos na nais nilang matiyak ang kaligtasan ng mga siklista na gumagamit ng mga itinakdang bicycle lanes.

Nakatakda pang magpulong ang nasabing mga opisyal sa susunod na mga araw para sa mga pagbabagong gagawin sa mga bike lanes.