Nais na mas palawakin pa ng Department of Transportation ang mga bike lanes mula 564 kilometers ngayong taon ay plano itong gagawin 2,400 kilometers sa taong 2028.
Ito ay upang mas mabigyang proteksyon ang mga bikers na nakikipagsapalaran sa kalsada kasama ng ilang mga sasakyan na di hamak ay malaki ang advantage sa kanila.
Ang pagpapatayo nito ay sa ilalim ng Active Transport Program, tumatalima ito sa National Transport Policy (NTP) at Philippine Development Plan 2023-2028.
Maituturing raw na malaking hakbang ito tungo sa mas ligtas at accesible na mga daan para sa cyclists, pedestrians, at personal mobility device users.
Ayon pa sa DOTr, naka pokus ang kanilang ahensya sa vulnerable road users at panawagan nila na maging responsable at accountable ang mga nagmamaneho.
Una na rito, batay sa survey noong 2020 mula sa Social Weather Stations at Department of Health, 87% ng mga Pilipino ang sumasang-ayon na magiging mas maganda ang mga kalsada sa mga lungsod at munisipalidad kung uunahin ang pampublikong transportasyon, bisikleta, at pedestrian kaysa sa mga pribadong sasakyan