Inihayag ng Makati City government na magiging shared lines na ang mga bike lanes simula Miyerkules, Pebrero 15, para ma-accommodate ang mas maraming commuters na gumagamit ng public utility vehicles (PUVs).
Ang Ayala Avenue bike lane ay gagawing sharrows o shared lane para ma-accommodate ang parehong bikers kasabay ng pagtaas ng bilang ng mga commuter na sumasakay sa mga PUV at makatulong sa pagpapabuti ng daloy ng trapiko sa lungsod.
Sa isang hiwalay na pahayag, inamin din ng Makati City government ang mga alalahanin hinggil sa shared lanes ngunit naninindigan na itutuloy pa rin ang naturang plano nito.
Una na rito, mahigpit pa ding nagpapaalala ang pamahalaan na mag-ingat sa pagmamaneho upang makaiwas sa anumang insidente na posibleng mangyari.