![image 527](https://xrc.bomboradyo.com/newscenter/2023/02/image-527.png)
Sang ayon ang mga ordinaryong tao at mga bikers sa pagkakaroon ng elevated pathways dahil anila ito ay mas ligtas kumpara sa pakikipagsabayan sa mga sasakyan.
Matatandaan na itinataguyod ni House Deputy Speaker Ralph Recto ang pagkakaroon ng mas pinalawak, mapa-elevated o hindi na pedestrian at bike lanes.
Aniya, dapat na gamitin ang 82 billion pesos na unspent road users tax bilang pondo sa nasabing proyekto.
Sa nakalipas na taon, nakapagtala ng 2,397 na kaso ng bike-related road accidents ayon sa datos ng Metro Manila Development Authority.
Samantala, sa panayam ng Bombo Radyo Philippines kay Marvin at Aki, bikers sa walong taon, bagamat maganda raw itong panukalang batas, mayroon raw mga problema na dapat mas pagtuonan ng pansin tulad na lamang ng kahirapan, trabaho at pabahay sa mg nasa lansangan.
Sa patuloy na pagtaas ng inflation rate ng bansa, mas maraming mga Pilipino ang naghihirap.