-- Advertisements --

NAGA CITY – Ibabandera ng bikolanong highschool student mula sa Philippine Science High School – Bicol Region Campus ang Pilipinas matapos na isa ito sa makapasa at maging pambato ng bansa sa World Mathematics Invitational Finals 2023 na isasagawa sa Seoul, South Korea.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay John Andrei Brecio, pambato ng Pilipinas sa WMI Finals 2023, sinabi nito na labis na kasiyahan at excitement ang kaniyang naramdaman matapos makita ang resulta ng preliminary round ng nasabing event at malaman na nakapasa ito.

Ito ay dahil hindi umano masyado umasa pa si Brecio dahil hindi ito nakapaghanda sa nasabing preliminary round dahil sumabay ang nasabing event sa kanilang periodical examination.

Kaugnay nito, ang mga mag-aaral ang magpoprovide ng kanilang mga gagamitin para sa expenses sa nasabing event ngunit magbibigay umano ang kanilang paaralan ng dagdag na tulong lalo na pagdating sa mga expenses sa transport at pag-asikaso ng kanilang mga dokumento.

Dagdag pa ni Brecio, ito ang unang pagkakataon na makakalabas ito ng bansa upang mag-compete para sa subject na Math dahil mas aktibo umano ito sa paglahok sa mga Science related competitions na nagdala sa kaniya sa iba’t ibang bansa gaya na lamang ng Jakarta, Indonesia at bahagi ng Singapore noong nakaraang taon.

Samantala, isasagawa ang nasabing event sa Yonsei Universtiy, isa sa mga pretihiyosong private school sa nasabing bansa.

Sa ngayon, mensahe na lamang ni Brecio para sa mga katulad niyang mag-aaral na magkaroon ng mabuting mindset, iplano ang mga pangarap sa buhay, at i-pursue ito, dahil hindi naman masama na huminto at magpahinga nguunit huwag na huwag na hihinto na mangarap hanggang sa maging realidad ng buhay.