-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Positibo ang Bicolang para-swimmer para sa 2020 Tokyo Paralympics na si Gary Bejino na magtatagumpay siya sa kanyang journey.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Gary Bejino na motivated siyang sumali sa Olimpyada dahil hindi lahat ng mga may kapansanan ay nabigyan ng pagkakataong makakasali sa ganito kalaking event.

Dahil dito excited na rin siya ang kanyang mga team mates na magpunta ng Tokyo, Japan para sa kani-kanilang sporting events.

Proud na proud siya sa kanyang naabot ngayon mula nang sumali sa national team simula noong 2013 dahil ang kanyang pagsali at pagwagi sa mga international events ay nagbigay ginhawa sa kanyang pamilya lalo na’t nakabili na sila ng sariling lupa at nakapagpatayo pa ng bahay.