-- Advertisements --

Nahaharap sa kaso si Peter Joemel Advincula ang lalaking nagpakilalang “Bikoy” na lumabas sa Ang Totoong Narcolist videos at mga police officials.

Ang kasong perjury at providing false testimony as evidence sa sedition case na isinampa laban sa mga oposisyon laban sa mga kapulisan na si Police Lt. Col. Arnold Thomas Ibay, hepe Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) National Capital Region (NCR) ay inihain sa Department of Justice.

Ayon sa mga complainant na sina Atty. Jose Manuel “Chel” Diokno, dating Deputy Speaker Erin Tañada at dating Supreme Court spokesman Theodore Te na kahit na alam ng CIDG na nagsisinungaling lamang si Advincula ay itinuloy pa rin nila ang kaso laban sa mga miyembro ng oposisyon na nagtatangka umano sa pagpapatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Magugunitang sinampahan sina Diokno, Tañada kasama si Vice President Leni Robredo.