(Update) Nilinaw ni Justice Sec. Menardo Guevarra na hindi ang tinaguriang si alyas Bikoy ang dinampot ng National Bureau of Investigation (NBI) kundi ang sinasabing nag-upload ng video sa internet o YouTube.
Una nang lumutang na hawak na umano ang lalaking nasa likod ng “Ang Totoong Narcolist†video na nagdadawit kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa pamilya nito sa kalakaran ng iligal na droga.
Sa video si alyas Bikoy ay nakatago ang mukha habang nagsasalita.
Pero nilinaw ni Sec. Guevarra sa kanyang statement na ang inaresto ng NBI Cybercrime Division at sinilbihan ng search warrant ay ang nag-upload ng video ni “Bikoy.”
Nakikipag-ugnayan umano ang Department of Justice (DoJ) sa Cybercrime office ng NBI para sa iba pang mga detalye.
Maalalang sa video na lumabas noong nakaraang buwan, inamin nang nagpakilalang si “alyas Bikoy†na dati itong miyembro ng drug syndicate at idinawit ang pamilya ni Duterte na sangkot sa operasyon ng illegal drug syndicate na kilalang “Davao Group.â€
Inakusahan din ni “Bikoy†si dating Special Assistant to the President (SAP) Bong Go, presidential son Paolo Duterte at Veronica, Honeylet Avanceña at anak na si Kitty maging sina Manases Carpio na asawa ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na tumatanggap ng milyong halaga mula sa drug ring.
Ang naturang alegasyon ni alyas Bikoy ay mariin namang itinanggi ng mga opisyal ng Palasyo.
Una nang lumutang na hawak na umano ang lalaking nasa likod ng “Ang Totoong Narcolist†video na nagdadawit kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa pamilya nito sa kalakaran ng iligal na droga.
Sa video si alyas Bikoy ay nakatago ang mukha habang nagsasalita.
Pero nilinaw ni Sec. Guevarra sa kanyang statement na ang inaresto ng NBI Cybercrime Division at sinilbihan ng search warrant ay ang nag-upload ng video ni “Bikoy.”
Nakipag-ugnayan umano ang Department of Justice (DoJ) sa Cybercrime office ng NBI para sa iba pang mga detalye.
Maalalang sa video na lumabas noong nakaraang buwan, inamin ni “Bikoy†na dati itong miyembro ng drug syndicate at idinawit ang pamilya ni Duterte na sangkot sa operasyon ng illegal drug syndicate na kilalang “Davao Group.â€
Inakusahan din ni “Bikoy†si dating Special Assistant to the President (SAP) Bong Go, presidential son Paolo Duterte at Veronica, Honeylet Avanceña at anak na si Kitty maging sina Manases Carpio na asawa ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na tumatanggap daw ng milyong halaga mula sa drug ring.
Ang naturang alegasyon ni alyas Bikoy ay mariin namang itinanggi ng mga opisyal ng Palasyo.