Nagkaisa sina Senators Panfilo Lacson at Antonio Trillanes IV na kailangan munang lumutang sa publiko ni Alyas Bikoy bago magkaroon ng anumang imbestigasyon ang Senado sa mga expose nito.
Ayon kay Lacson, kahit sino ay maaaring maglahad ng kwento, ngunit kung wala itong bigat kung hindi magpapakilala at hindi maglalabas ng ebidensya ang nagsasalita.
Nag-ugat ang kontrobersiya sa paglitaw ng “Ang Totoong Narcolist” video na ipinakalat sa pamamagitan ng Metro Balita website at links, kung saan idinidiin sa drug issue ang mga kaanak at kaalyado ng pamilya Duterte.
Kaugnay nito, pinuna naman ng mga mambabatas ang naging pag-aresto at pagsasampa ng kasong inciting to sedition laban sa gumawa ng webpage na si Rodel Jayme.
Giit ni Lacson, idineklara na ng Supreme Court (SC) na unconstitutional ang probisyon ukol sa pagiging criminal offense ng sharing at paglalagay ng reactions sa isang sensetibong post.