Pinapaaresto ng korte sa lungsod ng Maynila si Peter Joemel Advincula o alyas Bikoy.
Ito ay dahil sa hindi pagdalo sa mga arraignment ng perjury case na isinampa ng mga abogado mula sa Free Legal Assistance Group (FLAG).
Sa isang pahinang kautusan na inilabas ng Manila Metropolitan Trial Court Branch 17 na kanilang kinakansela ang pagpiyansa ni Advincula para sa kaniyang pansamantalang kalayaan.
Maglalabas ang korte ng warrant of arrest at ang pagdoble ng piyansang inihain nito para sa gobyerno.
Magugunitang si Advincula ang umaming nasa likod ng video na kumalat tungkol sa tunay na Narcolist na nagdidiin sa mga kamag-anak ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nagsampa ng kaso ang PNP Criminal Investigation and Detection Group sa mga nasa likod ng video kasama rin na sinampahan ng kaso ang mga abogado ng FLAG na pinangungunahan ng mga dating senatoriable gaya nina Atty. Chel Diokno at ex-Rep. Erin Tanada ganon din si dating Supreme Court spokesperson Atty. Theodore Te.