-- Advertisements --
IMG 20190718 194112 1
Bikoy and Gadon

LEGAZPI CITY – Nakatakdang sumuko ngayong araw sa Quezon City Metropolitan trial court branch 138 si alyas Bikoy kasunod ng pagbaba ng korte ng arrest warrant laban dito at iba pa ukol sa kasong sedition.

Sa kumpirmasyon ni Joseph Advincula, nakababatang kapatid ni Peter Joemel Advincula alyas Bikoy sa Bombo Radyo Legazpi, usaping panseguridad aniya ang kanilang inaalala sa hakbang.

Nakatakda ring maglagak ng P10,000 piyansa sa korte si Bikoy para sa kinakaharap na kaso kasama ang legal counsel na si Atty. Larry Gadon subalit tumanggi nang ihayag ang oras ng pagsuko.

Una nang ipinag-utos ng QC court ang pag-aresto kay dating Sen. Antonio Trillanes IV at 10 iba pa kabilang si Advincula, dahil sa Bikoy videos na nag-uugnay kay Pangulong Rodrigo Duterte at pamilya nito sa umano’y drug trade.

Samantala, umaasa ang pamilya na madi-dismiss ang kaso sa QC laban kay Bikoy maging ang kinakaharap na cyber libel case sa Legazpi City dahil biktima lamang umano ang kapatid nito sa sitwasyon.