-- Advertisements --
GENERAL SANTOS CITY – Patuloy ang pagdami ng bilang ng mga nabiktima ng bagsik ng dengue sa lungsod.
Ayon kay Dr. Rochelle Oco, ang head City Health Office na kada araw ay nadadagdagan ang bilang ng mga nabiktima ng naturang sakit.
Kinumpirma nito na na-activate na sa mga barangay ang action kontra dengue matapos nagdeklara ang state of calamity sa GenSan at nationwide epidemic upang makabuo ng dengue task force sa mga barangay.
Nabatid na sa GenSan mayroon ng apat ang patay habang 1,110 ang nagka-dengue.