Panibagong biktima na naman ng “fake departure stamp” scheme ang hinarang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration sa magkahiwalay na insidente sa Ninoy Aquino International Airport.
Tinukoy ng ahensya ang isang biktimang 40 anyos na pasahero ng isang flight na paalis sana patungong Hong Kong.
Ayon sa BI, nagpresenta ito pasaporte na umanoy may kahinahinalang immigration departure stamp.
Sa pag-amin ng biktima, sinabi nito na inalok siya ng trabaho ng isang tao na nakilala niya online.
Hiningan rin ito ng 120k ng kanyang recruiter bilang processing fee kasabay ng pangakong makakalusot ito sa immigration.
Sa kabilang banda ay naharang rin ng BI ang iba pang mga biktima ng naturang scheme na aalis sana ng bansa sakay ng isang flight patungo sa Singapore.
Naghinala rin ang mga tauhan ng BI sa iprenesenta nitong mga pasaporte .
Ang mga biktima ay 32, 27, at 24 anyos na una nang sinabi na sila ay magkakaibigan at bibyahe para magbakasyon sa Cambodia .
Nabunyag na magtatrabaho pala ang mga ito bilang call center agents at 50k na sahod.
Na turnover na ang mga ito sa interagency council against trafficking.