-- Advertisements --
Pumasok na ang health officials at PNP-CIDG sa imbestigasyon ukol sa pagkakalason ng ilang Chinese gaming workers sa Kawit, Cavite.
Ayon kay Major Richard Corpus, hepe ng Kawit, Cavite Police, pumalo pa sa 39 ang kabuuang bilang ng mga nalason dahil sa ilang nadagdag na pasyente.
Unang isinugod sa San Juan de Dios Hospital sa Pasay City ang 19 na biktima, habang 20 naman ang dinala sa Binakayan Medical Center sa Kawit, Cavite.
Inaalam na ng local sanitary officers kung paano ang distribusyon ng pagkain at inumin para sa mga dayuhang nagtatrabaho sa POGO hub, para matiyak na hindi na mauulit ang food poisoning.