-- Advertisements --

Nailigtas ng immigraration personnel ang babaeng biktima ng human trafficking sa Davao International Airport. 

Kinilala ang biktima bilang si Alias Nina na papunta sana sa Singapore kasama ang lalaking recruiter. 

Noong una’y sinabi ni Alias Nina na pupunta lamang siya sa Singapore bilang turista ngunit kalaunan ay inamin din nito na ni-recruit siya ng kaniyang kasamahan para maging household service worker sa United Arab Emirates. 

Sa pagsusuri ng Immigration, nalaman nito na mayroon na ring dinala ang suspek sa ibang bansa na hindi pa nakabalik ng bansa kahit lagpas na ito sa petsa ng kaniyang return date. 

Parehong dinala ang biktima at suspek sa interagency council against trafficking at mahaharap sa kaso ng human trafficking ang lalaking suspek.