-- Advertisements --

KORONADAL CITY- Umabot na sa dalawang daan at labing apat (214) ang mga residenteng apektado ng influenza outbreak at pneumonia ang labing-limang Sitio sa Barangay Ned, Lake Sebu, South Cotabato.

Ito ang ayon sa kumpirmasyon ni Dr. Arenz Jade Docdocil, OIC Municipal Health Officer ng Lake Sebu sa eksklusibong panayam ng panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Ayon kay Dr. Docdocil, sa mahigit dalawang daang biktima, nasa higit 100 ang mga bata habang nasa 30 lamang ang adult.

Ang nasabing bilang ng mga biktima ay nagmula sa mga Sitio Blit, Blugsanay, Fanulak,K’batang, Lambila, Lamuyon,Sinanggayan, Proper Ned, Slong, Tasaday, Tasufaw, Tasufo, Tinugas, Tungkay at Upper Salban na pawang mga Indigenous Peoples community.

Personal na sumama sa unang grupo ng medical team na umakyat sa mga Sitio Si Dr. Docdocil at lumabas sa kanilang initial nga imbestigasyon na dahil sa nasa liblib na lugar ang mga Sitio ay pahirapan ang pagbaba ng mga pasyente upang dalhin sa pinakamalapit na klinika o ospital.

Sa katunayan may ilang mga biktima pa ang hindi pumayag na dalhin sa pagamutan.

Sa kaso ng apat na mga batang nasawi, siyam na buwang sanggol ang pinakabatang naitala.

Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ay muling nagsagawa ng site visitation ang Integrated Provincial Health Office (IPHO) kasama ang Regional Epidemiology Surveillance Unit team ng Department of Health Socksargen at Municipal Health Office ng Lake Sebu upang making ang sitwasyon ng mga residente at nagsagawa rin mas malalimang pagsusuri sa pinagmulan ng outbreak.

Sa ngayon, nasa estableng kondisyon na ang mahigit 200 mga biktima kung saan 15 na lamang sa mga ito ang naka-confine sa South Cotabato Provincial Hospital.