-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Tumanggap ng P2,000 ang mga apektado ng lindol sa Barangay Pedtad at P5,000 naman sa mga apektado ng sunog sa Barangay Magatos at Barangay Poblacion sa Kabacan, Cotabato.

Maliban sa tulong pinansyal nag-abot din ng mga food packs at materyales sa mga nasunugan ang provincial government.

Ang tulong ay programa ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Operation Center na naglalayong mag-abot ng tulong sa mga biktima ng iba’t ibang kalamidad sa probinsya ng Cotabato.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga tumanggap ng cash assistance.

Kaugnay nito, nagpaabot rin ng pasasalamat si Kabacan Mayor Herlo Guzman, Jr. sa probinsya. Aniya malaking tulong ang programa sa mga residente na lubos na apektado ng mga sakuna.