-- Advertisements --

NAIPAGMANEHO pa ng biktima ang kanyang sarili sa bahay pagamutan matapos magtamo ng tama ng bala sa insidente ng pamamaril ngayong hapon sa Notre Dame Avenue, Rosary Heights 2, Cotabato City ang biktimang si Zandro Gelsuga, residente ng General Santos City, isang empleyado ng itinatayong KCC Mall sa lungsod ng Cotabato.

Nagtamo ang naturang biktima ng tama ng bala sa kanyang pisngi na tumagos sa kabilang pisngi. Nasa mabuting kalagayan na ang biktima at patuloy na ginagamot sa isang hospital sa lungsod.

Ayon sa inisyal na ulat ng otoridad, sakay ng kanyang motorsiklo galing remittance center ang biktima nang pabalik na sana sa kanyang pinagtatrabahuan dito na ito pinagababaril na hindi pa tukoy na suspek.

Sa ngayon, inaalam pa ng otoridad ang motibo sa pamamaril.