Umakyat pa sa 600 ang bilang ng mga biktima dahil sa paputok at ligaw na bala noong nakalipas na holiday season base sa panibagong datos mula sa Department of Health (DOH).
Ito ay matapos madagdagan pa ng 11 bagong nasugatan dahil sa paputok at 4 na bagong kumpirmadong biktima ng ligaw na bala.
Sa kabuuang 600 biktima, 592 na dito ay nasugatan dahil sa paputok, 1 dahil sa pagkakalunok ng Watusi at 7 dahil na ligaw na bala. Sa kasamaang palad naman, 2 katao ang nasawi dahil sa paputok at 53 ang kasalukuyang nagpapagaling pa sa ospital.
Ayon sa ahensiya, ang ikalawang nasawi na isang 44 anyos na lalaki ay nadamay din sa insidente ng pagsabog na una ng ikinasawi ng isang lolo na nagsindi ng kaniyang sigarilyo habang nakikipaginuman malapi sa nakaimbak na mga paputok.
Mahigit sa kalahati ng mga kaso ng naputukan ay mula sa Metro Manila na binubuo ng 313 mula sa 600.