Tiniyak ng Department of Health (DoH) na tatanggapin pa rin sa public hospitals ang mga dudulog na firecracker related injuries, kahit natapos na ang kanilang pagbibilang at monitoring sa iwas paputok campaign.
Ipinagmalaki ng DoH ang zero firework-related fatalities base na rin sa Fireworks-Related Injury (FWRI) Surveillance mula December 21, 2019 hanggang January 6, 2020.
Base sa FWRI surveillance report umabot sa kabuuang 413 cases ng FWRIs ang naitala noong 2019 at 411 injuries ay dahil sa fireworks.
Isa ang naitalang kaso ng firework ingestion at isang stray bullet injury case.
Karamihan naman sa mga bikitma ay mga lalaki na mayroong 74 percent.
Ayon kay health Sec. Secretary Francisco Duque III, karamihan sa mga biktima ay mula National Capital Region (NCR) at Regions VI at I.
Ang total number ng injuries noong 2019 ay mas mababa ng 41 percent kumpara sa five-year average (2014-2018) ng 703 cases.
Pero mas mataas naman ng 21 percent ang mga biktima ng paputok kumpara sa 341 cases noong 2018.